Maria Rosa Vilma Tuazon Santos-Recto (born Maria Rosa Vilma Tuazon Santos November 3, 1953 in Bamban, Tarlac), commonly known as Vilma Santos-Recto or Ate Vi is a Filipino actress and box office queen for almost four decades. One of the original Philippine movie queens, she rose up to become the versatile actress that has been given the fitting title of “Star for All Seasons” because of her capacity to adapt to the changing mores and values of the Filipino woman, giving a face to their plight and struggles, albeit in success both critically and box-office wise in some of Philippine cinema’s classics such as Trudis Liit (1963), Lipad, Darna, Lipad (1973), Burlesk Queen (1977), Relasyon (1982), Sister Stella L. (1984), Alyas Baby Tsina (1984), Pahiram ng Isang Umaga (1989), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Anak (2000) and Dekada ’70 (2002). She is currently the governor of Batangas, Philippines (2012)(Wikipedia).

For More Informations, Visit: Vilma Santos-Recto's Official Web-site

Wednesday, October 28, 2015

Songs of "All Of My Life" (Videos) 1/5


Songs with title "All Of My Life" - past and present...

The Band Perry - All Your Life
Sam Gray - All of My Life
Gigamesh - All My Life
Cinta Laura - All Of My Life
P Reign - All My Life
Kings Dead - All My Life
Marco Sison - All Of My Life
#AllOfMyLife, #VilmaSantos, #XiamLim, #AngelLocsin, #JoyceBernal, #TheBandPerry, #SamGray, #Gigamesh, #CintaLaura, #KingsDead, #PReign, #MarcoSison

Thursday, October 22, 2015

Vilma Hindi Kukupas

Kasama ni Vilma sa pablat si Sonny Cortez, na ngayoý isang contract star ng Virgo. May sariling paraan ng pagkanta, si Sonny ay malapit nang hagaan sa Kanyang TV show, "Sonny Side Up"sa KBS.

Ang tunay na kagandahan daw ay wala sa kaanyuna kundi nasa ugali. Hindi ang tinatawag na kagandahang panlabas kundi ang kagandahan ng kanyang kalooban. At ang kagandahang ito, na walang pagkupas, ang siyang hagdan ni Vilma Santos tungo sa tagumpay. Sinumang makadaupang-palad ni Vilma ay hindi maaaring di makapansin na ang tunay niyang pagkatao ay bukas na bakas sa kanyang maaliwalas na mukha. Hindi lamang dahil sa palagi itong nakangiti (bagamat kung minsan na tuloy-tuloy ang siyuting ay kababasan din siya ng pagkahapo). Hindi lamang dahil sa totohanan niyang bukas na pagbibigay sa mga interview at pictorial saka sa mga fans na nagnanais na siya'y makaniig o mahingan ng autograph. Ang naiiwang impression ng lahat kay ay ang kanyang katapatan at kabaitan. Madali siyang makagiliwan hindi lamang dahil sa mahusay siyang kausap kundi masisinag sa kanya ang kababaang-loob. "Pasensiyosa na, maunawain pa,"anang masugid niyang tagahanga na si Manila Ballesteros. At kund kilala ninyo si Manila, maniniwala kayo sa sinasabi niyang ito. "At mahinhin pa,"dagdag naman ni Marie, isa pa ring "anino" ni Vilma na hindi nawawala saan man magpunta ang star. Bukod sa mga katangiang iyan, ang hidig na napupuri ng mga direktor na nakasama na ni Vilma ay ang kanyang professionalism. Tulad na lamang noong minsan na mag-lication shooting sila sa Merville Park sa Parañaque, Rizal. Ang eksena ay isang dream sequence at itoý kinunan sa gilid ng fountain na nakabungad sa open-air theater ng nasabing subdivision.

Malamig na ang simoy ng hangin noon (lampas hatinggabi nang idaos ang siyuting) ngunit lalong naging maginaw nang buksan na ang dancing waters. Pinapuwesto na sina Vilma, Eddie Peregrina, Alona Alegre at Edgar Mortiz sa gilid ng fountain at para namang sinasadya, patungo sa kanila ang hangin kung kayat kahit sa malayo, kitang-kita ang panginginig ng mga tuhod at baba ng apat na bituin. At dahil nga mga professional sila, tuloy rin ang siyuting. Maunawain naman ang direktor at pinilit nilang tapusin ang eksena sa lalong madaling panahon. Anupa't parang sinusubok na talaga, kung kailan solo frame nina Vilma at Edgar noon pa kinailangang mag-reload ang cameraman ng negatibo. Hindi naman makaalis ang dalawa sapagkata masisira ang continuity ng eksena, di katakatakot na pintas na naman ang ibubuntonghininga ninyo sa panonood nito. Minsan naman, nalipasan ng gutom ang kanyang ina na kasama niyang lagi saan man siya dalhin ng kanyang mga commitments nang kinailangan nitong makipagkita sa isang prodyuser at abutan ng traffic sa oras ng pagkain. Nang bumalik ito sa set ng siyuting ang tiyan. Nagkataon naman na comedy ang eksenang kukunan at close-up rin, ngunit buong husay na nagampanan ito ni Vilma sa kabila ng labis na pag-aalala sa ina. Maging parteng ito ay napupuri rin ang dalagita. Hindi lamang daw ito mapagmahal at masunuring anak. May isip na ito at kailanman ay hindi dinulutan ang mga magulang ng sakit sa ulo, lalo na sa kanyang pag-aaral. Natural amn na purihin ito ng kanyang ina at ama na sina Ginoo at Ginang Amado Santos (ang dating Milagros Tuazon), hindi naman masasabing OA kapag nakilala ninyo nang lubusan ang bituin.

Maging ang kanyang mga kapatid ay walang maipipintas sa ugali nito at hindi lamang daw dahil sa pinagbibigyan sila nito lagi sa kanilang favorite shows na telebisyon. Maalalahanin daw ito at hindi kailanman ginagawang dahilan ang kanyang pagiging star sa tahanan, kahit na sa biro. Ang katotohanan niyan, sa loob ng anin na taong inilalagi ni Vilma sa show business, wala pang narinig na namintas o nag-complain sa kanya. Sa halip, pulos papuri ang inaani niya at kapag nakilala na ninyo siya, hindi niyon masasabing exaggeration o too impossible to be true ito. Hindi rin naman masasabing aral o pilit ang kanyang magandang pakikitungo sa lahat. Pagkat hindi lamang pantay-pantay ang pagkamagiliw niya, kundi salat ito sa pagkukunwari. Sa isang kabataang tulad niya, madaling mauunawaan kung siya man ay magkamali paminsan-minsan, ngunit sa wari'y malayong mangyari sa isang bituin kay Vilma, ang labis na paniniwala sa sarili. Hindi kataka-taka kung gayon kung bakit siya ang hinuhulaang isa sa mangilan-ngilang kabataang bituin na mananatiling sikat sa mahabang panahon. Hindi rin mahirap paniwalaan kung bakit marami ang humahanga sa bituing ito, fan man o hindi. Paanoý taglay niya ang uri ng kayamananang hindi mabibili ng salapi, isang kayamanang bibihira ang nagbibigay ng halaga, ang kagandahang walang pagkupas: magandang ugali. - Ched Gonzales, Pilipino Magazine, 03 June 1970, reposted at Pelikula Atbp blog (READ MORE)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
FAIR USE NOTICE: This site contains copyrighted materials the use of which has not always been specifically authorized by the copyright owner. We are making such material available in our efforts to preserve the film legacy of actress, Vilma Santos, and to make her career information available to future generations. We believe this is NOT an infringement of any such copyrighted materials as in accordance to the fair dealing clauses of both the Canadian and U.S. Copyright legislation, both of which allows users to engage in certain activities relating to non-commercial/not for profit research, private study, criticism, review, or news reporting. We are making an exerted effort to mention the source of the material, along with the name of the author, performer, maker, or broadcaster for the dealing to be fair, again in accordance with the allowable clauses. For more info: Wikipedia: Fair Dealing

PLEASE NOTE: Paid advertising on Star For All Seasons may not represent the views and opinions of this website and its contributors. No endorsement of products and services advertised is either expressed or implied. The owner of this web-site is not earning any revenue from advertising posted in this site. This is in connection to the “not for profit/commercial use” fair use notices the site owner have been disclosing to this site’s readers.